Gerry Alanguilan Interviews
Various Philippine Newspapers/Magazines and Internationally Online  from 1996-2008

 
The BUZZ Magasin
December 2006
Volume 3, Issue 12
ABS-CBN Publishing, Inc.

Kakaibang chicken business!
Ni Liza P. Endaya

Kung hindi ninyo kilala si Gerry Alanguilan, hindi na kayo aware sa kalagayan ng comics industry sa bansa. Si Gerry ay isang architect, ay tubong San Pablo City at may-ari ng site na www.komikero .com, isang online museum ng mga komiks sa Pilipinas at nagpepreserba sa history ng unti-unti nang namamatay na industriya ng komiks sa bansa. Siya rin ang itinuturing na isa sa pinakamahusay na inker ng Marvel Comics. Napakaraming titulo ng nasabing US comics publication na siya ang nagtinta. Ang mga pinagdaanan ni Gerry ay pilit sinusundan ng mga kabataang illustrator sa ngayon. Kamakailan ay itinatag din niya ang Komikero Publishing. Agresibo ang kanyang publication at sa loob ng maikling panahon ay nakapaglabas na siya ng sariling titles. Sa kasalukuyan ay mabibili na sa mga bookstores ang ELMER book I and II.
 Interesting ang Elmer dahil ang bida sa four-part comic series na ito ay isang manok. Kakaibang chicken business’ talaga para kay Gerry. Ang dalawang natitirang series ay inihahanda na rin niya at siguradong mapapalabas na sa susunod na taon. Seryoso si Gerry sa kanyang adhikain na muling mabuhay ang lumaylay na industriya ng komiks sa bansa. Sa kasalukuyan ay pansamantala siyang nagbakasyon sa kanyang propesyon bilang architect at professional inker sa mga US comics para mag-concentrate sa kanyang publication. Sinasabi niya sa mga interviews sa kanya na mula pa bata ay mahilig na siya sa manok na pansabong kaya naman ang kanyang mga unang comics character at istorya ay tungkol din sa manok. Positibo naman ang resulta ng kanyang venture. Ang book I ng Elmer ay sold out. Ang book II ay inilunsad niya sa ginaganap na Philippine Komiks Convention o KOMIKON sa UP Bahay ng Alumni noong October 21, 2006, at doon pa lang ay halos naubos na ang kopya.
 Ppioneer din si Gerry sa independent comic publishing. Ilang taon na ang nakalilipas bago pa man niya itayo ang Komikero Publishing at gumagawa na siya ng mga comics story, nagsimula siyang magbenta nito na Xerox pa lang ang mga kopya at inilalagay sa mga comics store sa Kamaynilaan. Nagulat siya na nabibili ang mga ginawa niya. Maraming comics creator ang gumaya sa kanya, at nagpasigla ang ganitong sistema ng comics publication sa mga kabataang wala nang makitang mapagbigyan ng kanilang mga komiks sa pagsasara ng Graphic Arts Services, Inc. at ng Atlas Publishing.
 Isa sa mga markadong likha ni Gerry ay ang WASTED comics na lumabas late 90s. Ang Wasted ay nagpabago sa direksyon ng comics publishing sa Pilipinas at ginawang thesis ng ilang nagsulputang bagong publications mula sa size, materials, stories and illustrations. Ang huling balita sa Wasted ay ginagawa itong digital film.
 Isa sa pinagkakaabalahan ni Gerry ngayon ay ang paglabas ng isang lumang komiks ni Francisco V. Coching, ang Indio, na ang kikitain ay idodonasyon niya sa museum ng nabanggit na Pinoy komiks great. Si Gerry rin ang host ng Philippine Komiks Message Board, isang online community ng mga Pilipinong in one way or another ay naging bahagi ng Philippine comics industry. Sa PKMB ay nagkaroon ng malayang talakayan ukol sa komiks, at dito muling nagkakaroon ng komunikasyon ang mga dating editors, illustrators, writers, readers, comic book collectrs na matagal nang hindi nagkikita-kita, lalo na yaong sa ibang bansa na nakabase.
 Napakalaki na ng nagging kontribusyon ni Gerry sa muling pagbangon ng komiks sa Pilipinas. Sa nakaraang KOMIKON ay nakatanggap ang kanyang online museum ng Comics Aid Award, isang parangal na angkop sa kanya.
He’s married to Ilyn, isa ring architect at anak naman ng isa pang Pinoy comics’ great na si Rudy Florese.
Sa mga interesado, tumatanggap si Gerry ng mga qualified distributor ng kanyang comik books. Maaari ninyo siyang makontak, bisitahin lang ang kanyang site na www.komikero.com para sa mga kaukulang detalye.
 


INTERVIEW PAGE
Back to Front Page