Filipino Komiks
Ringstar Printing Enterprise Vol.1 No.
1
2006
GERRY LEADS… WE FOLLOW!
NAALALA ko na nakakita ako ng kopya ng WASTED
ilaang taon na ang nakalilipas, dala-dala ng isang matalik na kaibigan
at illustrator na si Rodel Noora. Sabi pa ni Rodel sa akin, nag-iiba na
raw ng mukha ang komiks. Nag-scan ako ng ilang pahina, nagustuhan ko ang
lay-out. Tiningnan ko kung sino ang gumawa: GERRY ALANGUILAN.
Matagal na akong hindi nakakakita
ng komiks, gayunpaman ay nakikibalita ako sa mga kaganapan sa Atlas Publishing
at sa mga dati naming kasamahan doon. Matagal ko nang hinahanap ang aking
kumpare na si Fermin Salvador, hindi ko Makita at wala akong balita sa
kanya. Si Tita Opi Concepcion ang nagsabi sa akin na nakikita niyang nag-popost
ng message si Fermin sa Philippine Komiks Message Board. Mag-logon daw
ako sa site na ito.
Sa PKMB ko uli nakita ang pangalang
Gerry Alanguilan. Interesting ang kanyang site. Hinangaan sya ng mga taong
minsan ay nagging bahagi ng comics industry particular ng mga beteranong
illustrator at ng mga kabataang mahihilig sa komiks dahil sa kanyang pagmamahal
sa medium na ito. Dahil sa kanya, sa kabila ng paglamlam ng industriya
ay nananatiling buhay ang interes ng marami rito. Ngayong taon, hindi mabilang
ang mga indie comics creator na gusting sumunod sa mga yapak niya dahil
sa tagumpay ng ELMER. Tapos na niya ang Book II ng nasabing comic book.
May dalawa pang edisyon ito na dapat nating abangan.
Tagumpay ang launching niya ng Elmer.
Hindi nakapagtataka na magkaroon ito ng cult following. Ang Elmer ay isang
inobasyon sa comics publishing at hindi nakapagtataka na ito ay maging
trend.
Hindi ligtas si Gerry sa mga batikos.
S akanyang message board ay Malaya niyang nailalagay ang mga puna sa kanya
at sa kanyang mga nilikhang komiks – na matiyaga niyang sinasagot punto
por punto. Ang maganda sa kanya, hindi siya apektado sa mga puna. Ang mahalaga
sa kanya ay alam niya ang kanyang mga vision sa komiks, at ginagawa niya
iyon ayon sa kanyang naisin. Masaya siya sa kanyang ginagawa, at iyon ang
pinakaimportante.
Sumisiglang muli ang industriya ng
Philippine comics. Tama ang obserbasyon ni Rodel noon na nag-iiba na ang
mukha nito. Salamat sa enthusiasm ng isang comics creator na tulad ni Gerry
Alanguilan sa pagga-guide sa ating mga komikero sa bagong direksyon. It
maybe a long journey ahead, pero kung si Gerry ang nasa unahan, hindi tayo
maliligaw.
|